-- Advertisements --
image 449

Pinabibilisan ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. ang digitalization at paggamit ng digital farmer registry, kasama na ang pagkakaroon ng digital food balance sheet (FBS).
Ayon sa Pangulo, hindi dapat mapag-iwanan ang sektor ng pagsasaka sa modernization programs na pinupursige ng pamahalaan.
Umaasa rin ang punong ehekutibo na magdudulot ito ng positibong pagbabago sa agriculture sector ang mga ganitong hakbang.
Sa isang pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) tungkol sa agrikultura, kinilala ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na i-update at i-digitalize ang mga proseso at sistemang mayroon sa nasabing sektor.
Maliban dito, nais ding ibaba ng chief executive hanggang sa mga kanayunan ang computerization para sa anumang produktong nalilikha ng bawat lugar, upang matulungan ito ng national government na mahanapan ng angkop na investor, international market at angkop na promotional programs.