Ganap ng batas ang 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.236 Trillion.
Ito’y matapos lagdaan ng Pangulo ang General Appropriations Act (GAA) kaninang umaga sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.
Ang orihinal na 2025 national budget ay nasa P6.352 Trillion.
Binigyang diin ng Pangulo na maximum prudence ang ginamit sa paglagda sa GAA.
Sinabi ng Pangulo direkta siyang nag veto ng probisyon na hindi tumutugma sa pangangailangan ng mga tao.
Habang ipinagpatuloy din ang pagpapatupad ng kondisyon sa ilang mga item upang matiyak na ang pampublikong pondo ay ginagamit sa otorisadong layunin.
Binigyang-diin ng Pangulo na ang nilagdaang budget ay repleksiyon ng kolektibong pangako para sa economic gains ng bansa.
Ang pambansang pondo ay dinisenyo para tugunan ang kasalukuyang pangangailangan.
Ayon kay ES Lucas Bersamin wala sa bokabolaryo ng Pangulo na magkaroon ng re-enacted na budget dahil malaki ang impact o epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Nasa kabuuang P194- billion halaga ng pondo ang kaniyang vineto.
Batay sa batas ang Education sector dapat ang may mataas na pondo batay sa ginawang pagbusisi ng Pangulo nasa P1.055 trillion ang pondo ng education sector na siyang may pinaka mataas na budget sa 2025 sinundan ng DPWH na nasa P1.034 trillion; Health sector, DSWD, DILG, DA, Judiciary, Dole at Justice.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman nasa P26 billion ang nabawasang pondo sa DPWH.
Habang nasa P168-Billion naman ang nabawasan sa unprogrammed funds.
Nananatili pa rin zero ang budget ng Phil Health.
Habang ang AKAP funds ay nananatili subalit isinailalim ito sa conditional implementation ibig sabihin hindi agad maibigay ang pondo dahil kailangan muna bumuo ng implementing rules and regulations ang tatlong ahensiya ng gobyerno ang DSWD, DOLE at NEDA.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan ang mga proyekto na veto hindi maikunsidera na nakapaloob sa 8-point agenda ng Marcos administration.
Nasa P168 billion nabawasan sa unprogrammed fund.
Dinipensa naman ni Bersamin ang malaking pondo ng Office of the President aniya ang pondo ng OP ay nakapaloob sa NEP.
Subalit humingi sila ng supplemental budget ng mahigit P5 billion dahil nagsisimula na ang paghahanda ng Pilipinas para sa pag host ng bansa sa 2026 ASEAN.