Tiniyak ng MalacaƱang na mananagot ang mga nasa likod ng tanim-bala scheme sa Ninoy Aquino Internatiobal Airport (NAIA) sakaling mapatunayan na nagbalik na naman ang modus na ito sa mga paliparan.
Pahayag ito ni Communications Usec Claire Castro, kasunod ng nagviral na video sa social media, kung saan hinarang ang bagahe ng isang senior citizen sa paliparaan noong March 6, matapos umanong kakitaan ng bala o anting – anting sa kaniyang gamit.
Sa press brirfing sa MalacaƱang, sinabi ng opisyal na hindi maganda kung mauulit na naman ang modus na ito, lalo na kung turista o kapwa Pilipino ang mabibiktima.
Pagtiyak ni Castro na hindi aniya ito papayagan ni Pangulong Marcos.
Sabi ng opisyal, sa oras na matapos na ang malalimang imbestigasyon sa insidente, at mapatunayan na mayroong mga iilan na nagsabwatan para dito, makakaasa ang publiko na aalisin ang mga ito sa serbisyo.