Pinalawig ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ng apat na buwan ang termino ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, epektibo February 7, 2025 na siyang retirement day ng heneral.
Batay sa memorandum na inilabas ng Malakanyang na may petsang February 4,2025 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, naka paloob dito ang extension sa serbosyo ni Marbil sa kabila ng kaniyang compulsory retirement age na 56.
Ang nasabing memorandum ay naka address kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla.
Si Marbil ang ika-30th PNP Chief at miyembro ng Philippine Military Academy’s Sambisig Class of 1991.
Siya ay nag assume sa pwesto nuong April 1,2024.
Bago siya itinalaga bilang PNP Chief siya ang dating hepe ng PNP Directorate for Comptrollership at nagsilbing regional director of Police Regional Office 8 (PRO-8) at director of the Highway Patrol Group (HPG).
Mananatili si Marbil sa pwesto hanggang sa buwan ng Hunyo.