Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Public Works and Highway (DPWH) ang pagtatayo ng mga permanenteng storm-resilient evacuation centers sa mga lugar na tinaguriang prone disaster areas sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos mahalaga magkaroon na ng permanenteng evacuation centers ng sa gayon hindi na gagamitin ang mga paaralan.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos lagdaan ang enrolled bills ang Ligtas Pinoy Centers and the Student Loan Payment Moratorium kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.
Pinatitiyak ng Pangulo sa DPWH na ang pagtatayo ng mga evacuation centers ay naayon sa required minimum standards, kabilang ang National Building Code at may kunsiderasyon sa pangangailangan ng mga LGU.
” Investing in these climate-resilient facilities must be the norm; for we are not only protecting the people’s lives, but also capacitating our local government units to respond, to reduce, and to manage the risks of disasters. Through this, we are also integrating into the very consciousness of every Filipino that preparedness is as vital as responsiveness. Whenever disaster strikes, we can and will respond,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos.
Aminado din si Pangulong Marcos na matagal nang problema ang paggamit ng mga paaralan bilang evacuation centers, na nakahahadlang sa pangunahing layunin ng mga ito na magtaguyod ng pagkatuto at creativity.
Tiniyak naman ng Pangulo sa Department of Education (DepEd) na ang mga paaralan ay magiging sentro na lamang ng pagpapabuti sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Inatasan din ng Pangulo ang Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magbigay ng lahat ng uri ng tulong sa mga estudyante upang matiyak na ang kanilang mga suliraning pinansyal ay hindi magiging hadlang sa pagtatapos ng kanilang edukasyon.
Samantala, pinasalamatan din ni Panguong Marcos ang mga mambabatas na aniya’y nasa likod ng dalawang bagong batas, at sinabing ito ay patunay ng kanilang pangakong unahin ang kapakanan ng taumbayan.