Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang 2024 GOCC Day na layong bigyan ng pagkilala ang mga government owned or controlled corporations dahil sa kanilang dividend remitances sa national government na nagbibigay ng kontribusyon sa non-tax revenues na siyang ginagamit para sa pagpapaunlad ng bansa.
Ang nasabing event ay pinangunahan ng Department of Finance na siyang may fiscal oversight sa mga government corporate sector.
Ito ay ceremonial turnover din ng dividends na nagsimula nuong 2011.
Nakapaloob sa Republic Act No. 7656 or the Dividend Law, lahat ng GOCC ay required na ideklara at mag remit ng 50% sa kanilang taunang net earnings bilang dividends sa national government.
Mahigpit namang mino monitor ng Dept of Finance ang mga GOCCs sa kanilang financial performance upang matiyak ang kanilang remitance sa gobyerno.
Ipinagmalaki naman ng GOCCs na tumaas na rin ang kanilang dividend payments mula sa 50% ngayon ay nasa 75% na sa kanilang kita nuong 2023.
As of May 3, 2024, ang dividend collections mula sa forty-seven (47) GOCCs ay nagkakahalaga ng PHP 88.56 billion, tumaas ng 11 beses mula sa P8 billion.