Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ceremonial endorsement ng Philippine Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap 2024 – 2028 na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang.
Layon ng repormang ito na i-transform ang paraan ng pag-manage ng public funds, upang mas masiguro ang accountability, efficiency, at transparency sa alokasuyon at paggamit ng resources ng mga tanggapan ng gobyerno.
Target din nitong baguhin ang financial landscape ng pamahalaan ng Pilipinas, na alinsunod sa unified vision ni Pangulong Marcos, tungo sa paga-angat ng public financial management ng bansa, na layong mapag-silbihan nang mas mabuti ang mga Pilipino.
Sa pamamgitan ito ng pagtugon sa 11 strategic focus area na tutugon sa lahat ng aspeto ng public financial management.
Sinabi ng Pangulo na ang nasabing roadmap ay hindi lamang patungkol sa figures, systems, structures, plano, at charts kundi ito ay pagyakap sa isang innovation para mas magiging episyente ang serbisyo.
” Because true progress is about moving beyond what we have always done and questioning how much we can be; true progress is about how we find ways to flourish in this ever-changing world. Of course, with the strong support of our partners, especially with the ADB, I am confident that the PFM Reforms Roadmap—anchored on the Philippine Development Plan 2023-2028—will lead the nation to a higher growth trajectory, and ultimately, to reducing poverty and achieving genuine prosperity,” pahayag ni Pang.Ferdinand Marcos Jr.