Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong umaga sa Palasyo ng Malakanyang ang ika-limang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Sa nasabing pulong tinalakay ang pag apruba sa mga panukalang batas na kabilang sa Common Legislative Agenda (CLA).
Kasama sa mga natalakay ang may kinalaman sa panukalang batas na Archipepalgic sea lane act na una ng hiniling ng DFA na maisama sa panukalang batas.
Napag- usapan din sa pulong ang Reforms to Philippine Capital Market na iminungkahi ni House Speaker Martin Romualdez sa pamamagitan ng isang sulat na may petsang September 20, 2023.
Kasama din sa agenda ng pulong ang Amendments to the Foreign Investors Long Term- Lease Act at pag- amyenda sa Agrarian Reform Law na iminungkahi naman ni Senate President Francis Escudero.
Dumalo sa pulong sina National Economic and Development Authority Secretary Arsenio M. Balisacan, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Senate President Francis Escudero House Speaker Martin Romualdez, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.