-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang malawakang job fair kung saan nagtipon ang mahigit isandaang mga kompanya at libu-libong aplikante.

Sa kanyang talumpati sa Career Con 2025 sa Pasay City, sinabi ni PBBM na layunin ng programa na mapababa pa ang antas ng kawalan ng trabaho o unemployment rate sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na tampok dito ang pagsasanay at pagbibigay ng tamang kakayahan para sa mga aplikante upang makahanap ng dekalidad na trabaho ang mga ito.

Sinabi din ng Pangulo na target ng pamahalaan na gawing regular ang job fairs na ito. 

Ibinida rin ni Pangulong Marcos na layon ng programang ito na dalhin ang oportunidad sa trabaho hindi lamang sa NCR, kundi pati na rin sa mga lalawigan.

Samantala, nakiisa Mga local at foreign companies sa 2 araw career job fair 2025.

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguzsma nasa 8000 trabaho ang bakante at target na mapunan.

Aniya nasa 18,000 na mga Pilipino ang nagpa registro subalit nasa 5,000 lamang ang available na trabaho.