Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang paggunita sa National Remembrance of the Heroic Sacrifice SAF 44.
Sa nasabing aktibidad, muling sinariwa ni Pangulong Marcos Jr ang buong tapat na pagsisilbi at pagmamahal sa bayan ng gallant SAF 44.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos Jr., sinabi nitong ang ginawa ng Gallant 44 ay isang utang na hindi kayang bayaran at ang pag aala- ala sa kanila ay isang obligasyong hindi kailanman dapat palalampasin.
Kung may mahalagang aral aniya na maaaring mapulot o iniwan ng SAF 44 , ito ay ang ” unahin ang bansa bago ang sarili at huwag kailanman susuko.
Dagdag ng Pangulo na Ang kabayanihang ginawa ng 44 na miyembro ng Special Action Force ay labis na ipinagpapasalamat ng bayan kaya gagawin aniya ng pamahalaan ang masigasig na pagta trabaho upang tuparin ang kanilang mga pangarap, para sa kanilang pamilya, sa kanilang mga anak, sa kanilang mga kasama, at para sa sambayanang Pilipino.
Sinabi rin ng Presidente na bagamat siyam na taon na matapos ang mapait na araw ay batid niyang nananatiling walang salitang ganap na makakapagpagaan sa sakit na nararamdaman ng mga naiwan ng galant 44.