-- Advertisements --

PFP1

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa isang seremonya na ginanap sa Heroes Hall sa Palasyo ng Malakanyang kaninang umaga.

Nasa 14 na government officials ang nanumpa kabilang dito si Presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Pormal na na-accredit bilang isang partido ang PFP ng Commission on Elections (COMELEC) nuong October 2018.

Si Pangulong Marcos Jr. ang tumayong Party’s standard-bearer nuong 2022 national elections.

Sa talumpati ng Chief Executive kaniyang binigyang-diin nito ang kahalagahan ng isang partido na may ideology.

Sinabi ng Pangulo na kapag ang partido ay walang ideology, hindi lalago at ang mga miyembro ay palipat-lipat.

Isinusulong din ng Pangulo na i-empower ang mga local government units sa pamamagitan ng konsepto ng federal governance.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nagsusumikap ang partido na ihanay ang mga pwersang pampulitika upang palakasin at higit pang isulong ang mga ideolohiya nito sa mga pinunong pulitikal.

Importante din aniya na maging malakas ang partido hindi lamang sa Manila kundi sa ibat ibang rehiyon ng bansa.

Gaya ng sabi ng mga political theorists na talagang kailangan ikalat ang kapangyarihan, huwag lamang ilagay sa isang lugar.

Binigyang-diin ng Pangulo na lalo pa nila patitibayin nang husto ang partido dahil mayruon itong ipinaglalaban, mahalaga na magkaroon ng maraming kakampi dahil dito nabubuhay ang tinatawag na whole-of-government at whole-of-nation approach dahil kailangan talaga magkaisa ang lahat.

Inihayag ng Pangulo na ang PFP ay isa na ngayong political party at kabilang sa mga pinaghahandaan ngayon ng partido ay nalalapit na political cycles partikular ang Barangay at SK elections na may malaking epekto sa kalalabasan ng 2025 elections.