-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang pagbubukaa ng masasabing pinakamalaking warehouse distribution sa bansa.
Ito ay ang Maersk Optimus Distribution Center na matatagpuan sa Calamba, Laguna.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng logistics.

Ayon sa Presidente, kung walang logistics hindi magiging maayos ang flow ng delivery of services.

Bukod sa ambag nito sa ekonomiya, sinabi ng Pangulo na ang bubuksang Maersk Optimus Distribution Center ay makakakatulong din sa job generation.

Nasa 1,000 trabaho ang maipagkakaloob nito sa surrounding community habang makapagbibigay pa ito ng isan libong dagdag na indirect jobs na may kaugnayan sa supply chain.

Sabi ng Pangulo kung pag uusapan ang supply chain, ang ganitong pasilidad ay may malaking maiaambag particular na sa paghahatid ng kailangang mga logistics na kailangan ng mamamayan.

Dumalo din sa aktibidad si DTI Secretary Ma Cristina Roque.