Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang Overseas Filipino Workers Family Day 2023 ngayong araw dito sa SMX Pasay City.
Layon ng nasabing aktibidad na bigyang pagkilala ang mga tinaguriang modern-day heroes dahil sa kanilang invaluable contribution sa bansa.
Ang OFW Grand Family Day ay isang testamento sa walang kupas na commitment ng OWWA para itaas ang kanilang moral ng sa gayon kahit papaano maibsan ang hirap sa pagtatrababo para guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya.
Oportunidad din ito na magkasama sama ang mga pamilya sa isang masayang aktibidad.
Highlight ng event ay ang cultural presentations at raffle prizes.
Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio ang OWWA Grand Family day ay pagdiriwang ng resilience, strength at unity.
“We aim to provide a day filled with joy, entertainment and empowerment, acknowledging the invaluable role OFW’s play in the progress of our nation,” pahayag ni Ignacio.