-- Advertisements --






Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang paglulunsad ng Phase 1 ng National Fiber Backbone project ng gobyerno.

Nasa labing apat na lalawigan ang makikinabang sa Phase 1 ng National Fiber Backbone project ng DICT.

Ang Pambansang Fiber Backbone ng Pilipinas ay isang demand-responsive, neutral fiber backbone na dinisenyo upang mapadali ang malawakang pag-access sa internet.

Kasama ring makakabenepisyo SA phase 1 project ng National Fiber Backbone ang National Capital Region, apat na BCDA eco-zones, at dalawang National Government Data Centers.

Sa ilalim ng National Fiber Backbone project mapapabilis nito ang digital infrastructure at maisakatuparan ang Isang fully connected nation.

Isa aniyang significant milestone ang NEB project at bahagi ng inaasam na achievement sa ilalim ng Bagong Pilipinas nq nagsusulong din ng komprehensibong istratehiya tungo sa economic at social tansformation.

Kaninang umaga pinagana ang proyekto kung daan ang northern at central luzon ang makakapag benepisyo sa internet access.

Sinabi ng Pangulo layon ng kaniyang administrasyon na maging fully digitalized magkaroon ng mabilis, affordable internet connection.