Nasa 28 mobile clinics ang ipinamahagi ni Pang. Ferdinand Marcos sa mga lokal na pamahalaan ng Mindanao.
Ginanap ang turn over ceremony dito sa Manila North Harbor sa Maynila kung saan rin isasakay ng barko ang mga mobile clinic.
Layon ng Bagong Pilipinas Mobile Clinics program ng Department pf Health na makapagbigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa malalayong lugar sa bansa.
Ang bawat mobile clinics ay mayroong nang laboratoryo, analyzer, ultrasound, x-ray, hematology at iba pang kagamitan.
Makakatuwang naman ng DOH ang isang shipping company sa pagbiyahe ng mga mobile clinic.
Sa pagtutulungan ng Department of Transportation, Philippine Ports Authority, Manila North Harbor Port, Inc. (MNHPI), at ng Presidential Management Staff, ita-transport ang 28 coasters mula Maynila patungong Mindanao.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa lahat ng 82 probinsiya sa bansa ay nakatanggap ng state of the art mobile clinics.
Galing sa pondo ng DOH ang ginamit para pambili ng mga nasabing mobile clinics.
Sinabi ni Herbosa ang bawat isa na mobile clinics ay nagkakahalga ng P9.9 million kasama na ang mga kagamitan sa loob.