Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pamamahagi ng 69 na ambulansya para sa rehiyon uno kasabay ng pagdiriwang ng ika-107th Birth Anniversary ng kanyang ama na si dating Pres. Ferdinand Marcos Sr. ngayon araw, Setyembre 11.
Kabuuang 69 na ambulansya, 12 dito ay ibinigay para sa mga bayan ng Paoay, Carasi, Vintar, Pinili, Dumalneg, Sarrat, Badoc, Nueva Era, Pasuquin, Solsona, Batac City at Laoag City.
Bukod dito, 17 ambulansya ang naibigay sa lalawigan ng Ilocos Sur, 8 sa La Union habang 32 para sa Pangasinan kung saan ang bawat ambulansya ay nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.
Kasama ni Pangulong Marcos ang kanyang asawa, si First Lady Liza Araneta Marcos, at ang kanilang tatlong anak na sina Ferdinand Alexander Araneta Marcos, Joseph Simon Araneta Marcos at William Vincent Araneta Marcos.
Ang Thanksgiving Mass ay dinaluhan ni Gov. Matthew Marcos Manotoc, Mayor Michael Marcos Keon, Mayor Albert Chua at iba pang opisyal ng probinsiya.
Pagkatapos ng misa, idinaos ang seremonya ng wreath laying sa Ferdinand Marcos Sr. Monument, paglulunsad ng ikapitong Rice Paddy Art sa Mariano Marcos State University kung saan ang mukha ni Sen. Imee Marcos ang tampok at isang simpleng programa sa Ilocandia Ilocandia.
Samantala, sinabi ni Sen. Imee Marcos ang pinanggalingan ng kanyang ama na nakatulong sa maraming Pilipino.