-- Advertisements --

Muling pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng titulo ng lupa para naman sa mahigit 2,000 certificate of land ownership o CLOA sa Bicol region.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos Jr. , sinabi nitong sa kabuuan ay nasa 30,000 CLOA na ang kanilang naipapamahagi sa buong bansa mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Kaugnay nito ay nasa 36,000 certificate of land ownership pa ayon sa Pangulo ang kailangan nilang maipamahagi bago matapos ang 2024.

Bitbit din ng Pangulo ang aniya’y mga bago at magandang balita para sa mga taga-Camarines Sur gaya ng pagkakaruon ng Camsur expressway, Tourism coastal road habang sisimulan na din aniya ang Naga development project na magpapabilis ng transportasyon sa lalawigan.

Sinabi din ng Pangulo na siyam na farm to market roads ang gagawin sa Region 5.

Bukod sa certificate of land ownership ay pinangunahan din ng Presidente ang pamamahagi ng daan-daang milyong pisong farm machineries para sa mga magsasaka at mangingisda ng Bicol region.