Nanumpa kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang 39 na mga bagong promoted na star-ranked generals ng Philippine National Police.
Ang 39 ay binubuo ng apat na Police Lieutenant Generals, 11 Police Major Generals at 24 na Police Brigadier Generals.
Kabilang sa mga nanumpa sina PNP Deputy Chief for Administration PLGen Jose Melencio Nartatez, Chief of the Directorial Staff PLGen. Edgar Alan Okubo, Western Mindanao Area Commander PLGen. Bernard Banac, PNP-CIDG Chief PMGen. Nicholas Torre III at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo.
Sa kanyang talumpati, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga bagong-promote na heneral sa PNP na kaakibat nang pag-angat ng kanilang ranggo ang dagdag na mga responsibilidad.
Kinakailangan anya sa posisyon ng mga ito ang pinakamataas na antas ng moral, propesyonalismo at paggalang sa karapatang-pantao sa lahat ng oras.
Bilin pa ng Commander-in-Chief, palaging isapuso ang sinumpaang tungkulin sa Republika na tapat at walang pag-aalinlangang ipagtatanggol ang Konstitusyon.