Pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang sectoral meeting sa Malakanyang.
Pasado alas-2:00 ng hapon ng magsimula ang pulong sa Malakanyang.
Tinalakay sa pulong ang Guidelines Governing the Contract of Service and Job Order Workers in the Government.
Dumalo sa pulong ang mga opisyales ng Department of Labor and Employment at mga gabinete.
Nagbigay din ng update ang mga taga DOLE kay Pangulong Marcos Jr hinggil sa estado ng paggawa sa bansa.
Una ng sinabi ng economic team ng Administrasyon na tuloy tuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na makahikayat pa ng job-generating investments habang tinutugunan din ang mismatches sa labor market.
Base naman sa datos ng Philippine Statistics Authority, 3.1 percent unemployment rate naitala sa pagtatapps ng taong 2023 na mas mababa sa nai- record nan 4.3 percent nuong 2022.