-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang pagdiriwang ng ika-89th AFP anniversary ngayong araw.

Ang tema ng pagdiriwang ay AFP @89: Sandigan ng Sambayanan Tungo sa Bagong Pilipinas.

Ito ay nag-encapsulate sa isang matatag na pangako bilang haligi ng lakas at katatagan ng sambayanang Filipino.

Ang AFP ay nanatiling matatag sa kanilang misyon para pangalagaan ang soberenya ng bansa, panatilihin ang kapayapaan, suportahan ang adhikain ng bansa para sa isang Bagong Pilipinas na isang progresibo, ligtas at isang inklusibong bansa.

Kaisa ang sambayanang Filipino, ipagpapatuloy ng AFP na gawin ang kanilang mandato na protektahan ang bansa at mag ambag para sa pag-unlad nito.

Pangako ng AFP na bibigyan nila ng prayoridad ang transparency, pagsusulong ng Kapayapaan, professionalism at service excellence.

Pagtiyak ng liderato ng AFP na Nakahanda naman sila sa pag-adopt sa nagbabagong security landscape habang patuloy na nagsisilbi bilang dependable partner ng gobyerno sa pag promote ng kapayapaan, security at progress.