Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magdadala ng mas maraming oportunidad sa mga tao na makatutulong sa kanilang kabuhayan ang pagsasa-ayos sa Balingoan Port sa Misamis Oriental.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P430.3 million.
Naniniwala ang Pangulo kapag lumakas anya ang kalakalan, kasunod nito ay ang pagsigla ng ekonomiya at pag-unlad ng rehiyon.
Pinangunahan ni Pang. Marcos ang inagurasyon ng Balingoan Port Expansion Project sa Misamis Oriental kaninang umaga.
Ang nasabing pantalan na tawiran ng mga biyahero patungo at mula sa Camiguin ay mayroon na ngayong bagong 2-storey Port Operations Building, Gate Complex, bagong Ro-Ro Ramp, at 10,832-sqm Backup Area.
Mayruon itong 500-seating capacities at mga modernonh amenities ng sa gayon maging kaaya-aya ang pagbiyahe ng mga pasahero patung sa kanilang mga destinasyon.
Sa talumpati ng Pangulo sinabi nito na ang pagsasaayos sa pasilidad ay makapagbibigay ng magandang serbisyo para sa mas maayos na daloy ng mga tao at produkto.
Asahan na rin anya ang paglakas ng turismo at pagbuhos ng negosyo sa lalawigan at mga karatig-probinsya.
“Sa pagsasaayos natin sa pasilidad na ito, asahan natin na lalakas ang turismo, bubuhos ang negosyo, lalago ang ekonomiya, at higit sa lahat, mas gaganda ang kabuhayan ng mga taga Misamis Oriental. Isa lamang po ito sa aming mga proyekto at sa aming mga ginagawa upang gawing makabago ang mga pantalan sa ating kapuluan,” pahayag ni Pang. Marcos.