Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang commitment, tapang, lakas ng loob at dedikasyon para maging matagumpay ang kanilang misyon.
Ito ay kasunod sa panibagong insidente ng pambu-bully ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa mga barko ng Pilipinas na nagsagawa muli ng resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal.
Ayon sa Pangulo, kapuri-puri ang aksiyon ng mga sundalo dahil sa paglalagay ng kanilang buhay sa alanganin sa tawag ng linya sa paglilingkod sa bayan.
Siniguro ng gobyerno na hindi ito patitinag sa patuloy na pambu bully ng China na gawin ang legal na karapatan nito sa mismong maritime zones ng bansa.
Ang Ayungin Shoal ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Panawagan ng gobyerno na dapat ipakita ng China na sila ay responsable at mapagkakatiwalaang miyembro ng international community.