-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang bansang Germany sa suporta nito sa Pilipinas.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng mag courtesy call kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang si German Federal Defense Minister Boris Pistorious.

Ayon kay Pangulong Marcos kaniyang ikinalulugod na marinig na buo ang suporta ng Germany sa rules-based international order na mahigpit na sinusunod ng Pilipinas.

Malaking hamon ang kinakaharap ngayon ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil sa pagiging agresibo ng China.

Sa ngayon, naibsan ang tensiyon sa West Philippine Sea, matapos magkasundo ang Pilipinas at China na pahupain ito.

Naging matagumpay ang pinakahuling rotation and resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre.

Bukod sa Germany, ilan pang bansa ang suportado sa laban ng Pilipinas sa West Philippine Sea.