Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga empleyado ng Office of the President para sa kanilang har work kasama ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagsasalu-salo sa pagkain, paghandog ng medical service at raffle draws kasabay ng pagdiriwang ng taunang family day ng Office of the President sa Palasyo Malacañang ngayong araw, Disyembre 2.
Sa naging speech ng Pangulo, sinabi nitong ang 2 araw na family event para sa mga empleyado ng OP ay isang bagay na kaniyang natutunan mula sa kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Paliwanag pa ng Punong ehekutibo na deserve ng mga empleyado ng OP na makapagpahinag dahil sa mahabang oras na kanilang ginugugol sa pagtratrabaho.
Matatandaan na noong nakalipas na linggo, nagsagawa ng Christmas tree-lighting ceremony at National Gift-Giving Day sa loob ng Malacanang bilang hudyat ng pagsisimula ng holiday festivities sa loob ng Palasyo.
Ang OP Family Week sa Malacanang ay inisyatibo ni dating Pangulong Fidel Ramos na sinimulan noong 1992 at ginaganap tuwing Setymebre kada taon subalit ito ay inilipat sa Disyembre malapit sa Christmas break para ma-maximize ang partisipasyon ng mga empleyado at upang matiyak na hindi maantala ang mahahalagang serbisyo.