-- Advertisements --
Pinasalamatan ng pamunuan ng Department of Education si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Department of Budget and Management dahil sa kautusan nitong taasan ang sahod ng kawani ng gobyerno maging ang pagkakaroon ng Medical Allowance.
Kabilang na dito ang mga guro na matagal nang nanawagan ng dagdag sahod.
Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, malaking bagay ang umento sa sahod ng mga public teachers sa bansa.
Makakatanggap rin ito ng mga medical allowance na aabot sa 7,000 .
Ipagpapatuloy naman aniya ng DepEd Expanded Career Progression Program bilang pagsunod sa direktiba ni PBBM natulungang ma-iangat ang buhay ng mga guro at maging Non Teaching Personnel.