Pinasalamatan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang walang sawang pagpapakita ng suporta sa peace process ng gobyerno para makamit ang tunay na kapayapaan sa bansa.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng pagdalo nito sa ginanap na ika-10 anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa Maguindanao Del Norte.
Binigyang diin ni Galvez na importante ang pagkakaroon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Ito kasi aniya ay nakatutulong para tuluyan nang matapos ang dekadang pakikibaka ng mga rebelde sa naturang rehiyon na magpasa hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang iilan.
Kinatigan rin ni Galvez ang naging pahayag ng pangulo na kung saan sinabi nito na mahalaga ang pagkakaroon ng kapayapaan para sa magandang pamumuhay ng mga tao sa komunidad.
Ang kapayapaan rin aniya ay lilikha ng mas maraming trabaho at oportunidad.