Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makauwi na ng Pilipinas ang Pinay drug mule convict na si Mary Jane Veloso, matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government.
Si Veloso ay nahatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia.
Sinabi ng Pangulo na sa higit isang dekadang pagsisikap na i- delay o iantala ang execution kay Maryjane at ngayon ay nagbunga na din sa wakas na tuluyang maisalba ang buhay ni Veloso.
Kaugnay nito ay nagpaabot si Pangulong Marcos Kay Indonesian President Prabowo Subianto Ng taos puso nitong pasasalamat gayundin sa pamahalaan ng Indonesia sa aniyay kabutihan nito.
Ang hakbang ng Indonesia ayon sa Pangulo ay sumasalamin sa lalim ng ugnayan ng dalawang bansa bilang magkaalyadong nasyon at nagkakaisa sa layunin para sa katarungan at malasakit.
Idinagdag din ng Pangulo na ang kwento ni Mary Jane ay tumatagos sa puso ng marami, isang ina na naipit sa kahirapan na gumawa ng isang desperadong desisyon na nagbago sa takbo ng kanyang buhay.
At bagamat pinapanagot aniya si Maryjane Veloso sa ilalim ng batas ng Indonesia, sinabi ng Pangulo na nananatili siyang biktima ng sirkumstansiya.