Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena sa Barangay Balogo, Sorsogon City.
Ang arena ay may 15,000 seating capacity at nagtataglay ng mga makabagong pasilidad na pasok sa international standards.
Ang disenyo ng istruktura ay hango mula sa panahon ng sinaunang Roma, na ginamit noon para sa mga combat, pampublikong kaganapan, at iba pang public entertainment.
Kasama sa aktibidad sina Senate President Chiz Escudero, dating Sen. Tito Sotto, dating Sen. Lito Lapid, DPWH Secretary Manuel Bonoan, Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez, at mga local officials.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 2022 elections, nagkita sina Pangulong Marcos Jr., dating VP Leni Robredo, at dating Sen. Bam Aquino sa venue.
Sinasabing pagkatapos ng event ay magkakaroon ng private meeting sina dating VP Leni at Pangulong Marcos.
Samantala, inamin naman ni Sen. Escudero na siya ang nag-imbita kay dating VP Leni upang dumalo sa aktibidad at i-welcome si Pangulong Marcos.