Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Pagudpud Tourist Rest Area (TRA) sa Saud Beach sa Pagudpud, Ilocos Norte ngayong araw, May 17, 2024.
Ayon sa Department of Tourism, ang construction ng Pagudpud TRA ay naka linya sa misyon ng ahensiya na palakasin ang tourism industry ng bansa sa pamamagitan ng strategic infrastructure development, equitable opportunities para sa mga tourist destinations at ang pinabuti na tourism experience sa pamamagitan ng magandang serbisyo at mga amenities.
Ibinibida din dito ang mga malikhaing obra ng mga Pilipino kasama ang mga local products at culturally inspired designs.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco ang bawat Tourism Rest Area ay mayruong mga facilities.
Ito ang mga sumusunod: Tourist Information and Assistance Center, Restroom with Persons with Disabilities (PWD)/Senior Citizen Access, Breastfeeding Station, Charging and Work Station with Internet Connection, Rest Area, Automated Teller Machine (ATM), Dining Area, Pasalubong Center.
Sinabi ni Frasco ang Pagudpud TRA ay ang kauna-unahang facility na pinasinayaan sa Luzon at siyang una sa Northern Luzon.
Ayon sa kalihim sa ngayon mayruon ng siyam na TRA sa bansa na nakumpleto na at operational at ito ay matatagpuan sa Roxas, Palawan; Dauis, Bohol; Medellin, Moalboal, Carmen and Carcar City in Cebu; Manolo Fortich, Bukidnon; at Samal Island, Davao Del Norte.
Inihayag ni Frasco na ang ika-10 TRA ay matatagpuan sa Baguio at nakatakdang matapos at pasinayaan sa ikatlong quarter ng taong 2024.