-- Advertisements --

Epektibo ngayong araw, pinatitigil na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang operasyon ng POGO sa bansa.

Ang desisyon ng Pangulo ay bunsod sa naging rekumendasyon ng kaniyang mga economic managers.

Sinabi ng Pangulo na walang magandang idinudulot ang POGO sa ating bansa.

Dagdag pa ng PAngulo na ang POGO ay nagpapanggap ng legitimate entities subalit ang kanilang operasyon ay sangkot sa mga iligal na aktibad gaya ng financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, torture at murder.

Ayon sa presidente kailangan nang itigil ang paggulo ng POGO sa ating lipuna at panglalapastangan sa ting bansa.

Ipinag-utos din ng Pangulong Marcos sa PAGCOR na simulan na ang pagtigil sa opersyon ng POGO hanggang sa katapusan ng taon.

Inatasan din ng Pangulo ang DOLE na hanapan ng bagong mga trabaho ang mga kababayan natin na maapektuhan ng ban. 

Naniniwala ang Pangulo na sa pamamagitan ng pagtigil sa operasyon ng POGO ay maraming mga problema ang maso solusyunan.

Nananawagan din ang Pangulo sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno, law enforcers, government workers na maging mapagmatyag at isipin ang kalusugan ng bansa.

“ The grave abuse and great disrespect to our system of laws must stop. Kailangan nang itigil ang paggulo nito sa ating lipunan at panglalapastangan sa ating bansa,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.