Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat partikular ang mga lugar na apektado ng Bagyong Aghon na maging mapagmatyag at siguruhin ang kaligtasan.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang kapakanan ng ating mga kababayan ang prayoridad ng pamahalaan.
Sinabi ng Presidente, kaniya ng inbatasan ang mga local government units, emergency services at iba pang mga concerned agencies na mahigpit na imonitor ang sitwasyon at ibigay ang kaukulang tulong sa mga apektadong mamamayan gaya ng mga food at non-food items.
Pina mobilized na rin ng Presidente ang lahat ng mga evacuation centers bilang suporta sa mga apektadong komunidad.
Pinapa tutukan ng Presidente ang mga vulnerable members ng komunidad.
” The well-being of our people is our utmost priority. I have directed local government units, emergency services and all relevant agencies to work tirelessly in monitoring the situation and providing necessary assistance,” mensahe ng Pang. Marcos.