-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mapanatili ang presensiya ng bansa sa bahagi ng Escoda Shoal, matapos ang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua.

Ito ang ang binigyang diin ngayon ni National Maritime Council spokesperson Alexander Lopez.

Sinabi ni Lopez na mahigpit ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na huwag aalisan ng presensiya ang area
kasunod ng ikinakasa na ngayong deployment ng mga bagong tao sa Lugar.

Paglilinaw ni Lopez, hindi lang naman physical presence ang tinutukoy Dito at sa halip ay tuloy- tuloy din at ramdam Ang strategic presence sa Escoda shoal.

Mali aniya na magkaruon ng pananaw na dahil sa nag pull out ang BRP Teresa Magbanua ay nabawasan ang presensiya sa lugar.

Ayon sa opisyal, maraming paraan na maaaaring ipatupad para patuloy na matutukan ang lugar gaya ng pagpapalipad ng eroplano, paggamit ng technical surveillance capability at paghingi ng tulong sa mga kaalyadong bansa.