Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga concerned agencies na prayoridad na mabigyan ng tulong ang mga isolated areas dahil sa Kalamidad.
Sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, iginiit ni PBBM na mahalaga ang papel at patuloy na suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak ang epektibong relief operations.
Aniya, importante rin ang pakikipagtulungan sa Office of Civil Defense o OCD upang mabigyang-pansin ang mga lugar na ilang araw nang hindi nakakatanggap ng tulong.
Ipinag-utos naman ng Pangulo ang agarang paghahanda at paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga kritikal na lugar habang kinilala rin nito ang kagyat na pangangailangan sa sitwasyon ng mga ito.
Bukod dito, tiniyak din ni Pangulong Marcos ang tulong sa mga indibidwal na nasa labas ng mga evacuation centers at nanawagan ng patuloy na pagsisikap upang matugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan.