Pina-alalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies na bigyan muna ng babala at tulungan ang mga apektadong komunidad bago magpakawala ng tubig sa mga dams.
Layon ng Pangulo na maiwasan ang anumang aksidente o ang pagkasawi ng buhay.
Ginawa ng Presidente ang paalala sa isinagawang emergency meeting sa NDDRMC sa Kampo Aguinaldo kanina bago mag tanghali.
Sinabi ng Pangulo mahalaga na mailipat ang mga apektadong komunidad sa ligtas na lugar.
Inihayag naman ni DILG Secretary Benhur Abalos sa Pangulo na ito ay dapat maging bahagi sa protocol na bigyan ng abiso o babala ang komunidad hinggil sa planong pagpapakawala ng tubig ang mga dams.
Pinasisiguro din ng Pangulong Marcos na mabigyan ng kaukulang tulong ang mga kababayan natin na apektado ng malawakang pagbaha dahil sa Bagyong Carina.
Una ng inihayag ng Punong Ehekutibo na ang mga liblib na lugar o mga isolated areas ang uunahin na mabigyan ng tulong dahil sa kalamidad.
Pinatutukoy na ng Pangulo ang mga nasabing isolated areas.
Batay sa ulat ng DSWD, nasa kabuuang 45,328 pamilya mula sa 225 barangays sa regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5,6,7, NCR at CAR ang apektado ng bagyong Carina.