-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa AFP na tiyakin na maging maayos, mapayapa at credible ang May 2025 midterm elections.
Ginawa ng Punong Ehekutibo ang panawagan sa ginaqawan panunumpa ng mga bagong Heneral at Flag officer ng AFP.

Ayon sa Pangulo, dapat lang na masigurong magiging maayos ang pagsasagawa ng electoral process lalot Malaki Ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa karapatan nitong makaboto.

Hindi aniya dapat biguin ang mga kababayan nating makikilahok sa darating na halalan kasabay ng pagsisikap na dapat mai- preserba ang integridad na papalapit na halalan.

Higit sa lahat bukod sa integridad ay pinag- uusapan din dito ang demokrasya sa bansa.

” In line with our shared mandate to protect the people and the State, and to secure the country’s sovereignty and the integrity of our national territory, the AFP reaffirmed its commitment during the Solidarity Pact Signing for the 2025 National and Local Elections.
Once again we find ourselves at a critical juncture where we have to preserve not only the integrity of our election, but the very ethos of our democracy.

As a nation that deeply values and honors our right to vote, we are counting on the armed forces to ensure a peaceful, credible, and orderly conduct of the electoral process that the Filipinos expect from us. We cannot fail them,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos.

Sa kabilang dako, binati ng Pangulo ang mga bagong promote na 35 heneral sa AFP at siyam na graduates ng Foreign Pre-Commission Training Institutions.

Dahil sa kanilang kanilang courage, dedikasyon at patriotism deserve ng mga opisyal na makuha ang pinaka mataas na recognition.

Ang pag angat ng mga opisyal sa kanilang career ay patunay sa kanilang pagsusumikap, dedikasyon, at pagtupad sa kanilang tungkulin bilang mga taga bantay sa seguridad.