Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Department of Transportation (DOTr) at iba pang mga concerned government agencies na maging “safe and convinient” ang biyahe ng ating mga kababayan pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya at maging ang mga turista na magtutungo sa ibat ibang tourist destinations sa bansa ngayong Holy Week.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, direktiba ng Pangulong Marcos kay Transportation Secretary Vince Dizon siguraduhing maayos at ligtas ang biyahe ng ating mga kababayan at mga turista.
Dahil dito puspusan din ang ginagawang inspeksyon ng Kalihim sa mga mga terminals, ports at airports.
Sinabi ni Castro na nais ng Kalihim na matiyak na walang mga overloading at alamin kung ano pa ang mga problemang kaharapin ng mga biyahero.
Pinasisiguro din ng Pangulong Marcos sa Philippine National Police (PNP) ang kaligtasan ng ating mga kababayan na bibiyahe para magbakasyon at maging ang mga kababayan natin piniling manatili sa kanilang mga kabahayan na ligtas ang kanilang mga komunidad.
Sinabi din ni USec. Castro, nakahanda rin ang Bureau of Immigration tugunan ang pagbuhos ng mga turista sa paliparan.
Sa katunayan nasa 48 dagdag na personnel ang kanilang itinalaga para siguraduhin na lahat ng counter ay mayruong tao at maasikaso ang mga turista.