-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kaligtasan ni Mary Jane Veloso ngayong nakarating na ito sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na tinututukan ngayon ng mga otoridad ay ang kaligtasan at kapakanan ni Veloso lalo pa at pinangalagaan aniya ito ng Indonesian government sa matagal tagal na panahon.

Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang gobyerno ng Indonesia at sa lahat aniyang nagpaabot ng tulong para mapanatili ang mabuting kalagayan ni Veloso.

Ikinalulugod aniya ng pamahalaan na narito na sa bansa si Veloso, resulta aniya ito ng matibay na pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas sa gobyerno ng Indonesia.

Malugod aniyang tinatanggap ng pamahalaang Pilipinas ang paglilipat ng kustodiya kay Veloso na nangyari dahil sa matibay na pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Nakabalik na ng Pilipinas si Maryjane kaninang umaga mula Indonesia kasama ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, at Bureau of Corrections.