Pinapatutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Information and COmmunication Technology (DICT) ang paglaganap ng cybercrimes sa bansa.
Sinabi ni Palace Press Officer USec Claire Castro na may epekto na sa bansa ang mga cyber attack lalo na ngayong nalalapit ang 2025 midterm elections.
Ayon kay Castro, utos din ng pangulo kay DICT Secretary Henry Aguda na ituloy tuloy lamang ang digitalization program ng pamahalaan.
Binigyang diin din aniya ng Pangulo ang pangangailangan na maipursige ang internet connectivity sa buong bansa, kasabay ng pagpapatupad ng sapat na proteksyon at seguridad laban sa cyber crimes, fake news at deep fake.
Sinabi ni Castro, nagtutulungan na ang PCO at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan para masawata ang mga ganitong uri ng krimen via online.
Kung maalala, nakipagkasundo ang PCO sa cybercrime investigation and coordinating council o cicc para isulong ang mga tamang impormasyon, kasabay ng pagsawata at pagpanagot sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media.