-- Advertisements --

Personal ng nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hinikayat ng Pangulo ang PSC na sumunod sa panuntunan ng World Anti-Doping Code (WADC).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na inatasan ng Pangulo ang ahensiya na palakasin ang Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO) alinsunod sa probisyon ng WADC.

Una ng sinabi ni PSC chairman Richard Bachmann na hihingi ito ng tulong sa Malacañang para hindi pagbawalan ang Pilipinas na makapaglaro sa mga international sporting events.

Pagtitiyak ng PSC na inaayos na nila ang mga anti-doping code requirements na kailangan ng WADA.