Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pag busisi sa 2025 panukalang pambansang budget.
Ito’y matapos pinulong ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang economic managers at si Executive Secretary Lucas Bersamin.
Batay sa larawan na ipinadala ng Presidential Communications Office (PCO) makikitang magkakaharap sa isang long table sa Malakanyang sina Pangulong Marcos kasama sina Budget Secretary Amenah Pangandaman at Finance Sec Ralph Recto, DPWH Sec Manuel Bonoan at NEDA Sec Arsenio Balisacan.
Una nang sinabi ni Bersamin na may mga line item at probisyon ng national budget bill ang ibi veto ni Pangulong Marcos, para sa kapakanan ng mga Pilipino, akma sa fiscal policy at alinsunod sa batas.
Nasa P6.352 trilyong pisong ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Una ng inihayag ni Bersamin na hindi matutuloy sa December 20,2024 ang paglagda ng Pangulo sa pambansang budget.
Hindi naman sinabi ng Malakanyang kung kailan ang pagsasabatas sa General Appropriations Bill.