Tumaas ang morale ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos purihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanilang mga accomplishments lalo na sa kanilang kampanya laban sa local insurgency at pag depensa sa teritoryo ng bansa.
Sa ginanap na ginanap na command conference sa Kampo aguinald kaninang umaga, partikular na tinukoy ni Pang. Marcos ang hindi matatawarang tapang na ipinakita ng mga sundalo para protektahan at depensahan ang bansa laban sa mga kalaban.
Muling binigyang-diin ng Pangulong Marcos na patuloy ang pagbibigay suporta ng gobyerno sa Sandatahang lakas ng Pilipinas lalo na sa pag adopt sa mga bagong estratehiya laban sa cybersecurity.
Ipinunto ng Presidente na mahalaga na magkaroon ng pagsasanay at kaalaman ang mga sundalo sa usapin sa cybersecurity dahil malaking bagay ito, para protektahan ang mga Filipino laban sa panlabas at panloob na mga banta.