-- Advertisements --
image 375

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 1st Infantry Division at Joint Task Force Zamboanga Peninsula at Lanao (JTF ZamPeLan) para sa kanilang matagumpay na paglaban sa teroristang organisasyon sa kaniyang naging talumpati sa kaniyang pagbisita sa Kuta Major Cesar Sang-an sa Labangan, Zamboanga del Sur ngayong araw.

Ang Joint Task Force Zamboanga Peninsula and Lanao ay binubuo ng 1st Infantry Division, Nacal Task Group-Zamboanga Peninsula at Lanao, at Tactical Operations Group 9.

Nakaharap ng task force ang dalawang teroristang grupo na communist terrorist group (CTG) at Daulah Islamiyah-Maute Group (DI-MG).

Sinabi din ng Pangulo na hindi nabigo ang mga ito na tupdin ang kanilang tungkulin nang may karangalan, dangal, passion at pagmamahal para sa bansa.

Dagdag pa ng Punong ehekutibo na matapos ang tagumpay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paglilinis ng mga terorista sa Zamboanga Peninsula, inatasan naman ang kasundaluhan na maging peacemakers kasabay ng pagsisimula ng paglilinis sa lugar ng impluwensiya ng mga terorista at tumulong na suportahan ang turismo at investment promotion efforts.

Una rito, sa naging pagbisita ng Pangulo, nagbigay ng situation briefing ang nasa 200 mga opisyal ng AFP at 1st Infantry Division.

Inaddress din ng Pangulo ang paglaganap ng loose forearms, pag-contain ng private armed groups bilang paghahanda sa nalalapit na 2023 BSKE at pagsuporta sa normalization process partikular na sa decommissioning ng Moro Islamic Liberation Front combatants at MNLF transformation program activities.