-- Advertisements --

Pinuri ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, ang PNP sa kanilang bloodless police operations na maituturing na Makatao at, naaayon sa batas.

Sinabi ng Pangulo na ang mga ikinakasa ngayong police operation sa harap ng aniyay epektibong paglaban ng pamahalaan sa ibat- ibang kriminalidad.

Sa ipinatutupad na crackdown kontra illegal drugs, smuggling, illegal gambling, private armed groups, human trafficking at IBA pa, sinabi Ng Pangulo na Hindi lamang aniya naging mabisa ang paglaban sa mga ito.

Naisasagawa aniya ito Ng legal at naaayon sa itinatakda ng umiiral na batas.

Bukod dito ay pinuri din Ng Pangulo ang pagbagsak ng crime rate gaya halimbawa sa mga crime-prone areas gayundin Ang mas maigting na patrol operations at pagdaragdag ng police deployment.