Pinaplano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing 7 araw na lamang ang ibibigay na palugit sa mga importer para patunayan na lehitimo nilang nakuha at dinala ang mga produkto sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi nito nakikita ang pangangailangan na mabigyan ang mga importer ng 15 araw para makapagpresenta ng clearance documents at iginiit na sapat aniyang panahon ito para malusutan ang kanilang posibleng iligal na mga aktibidad.
Ang hakbang na ito ng Pangulo ay kaalinsabay pa rin ng pagsisikap ng pamahalaan na mapuksa ang agricultural smuggling kung saan isinisisi sa mga kartel ang pagsipa ng presyo ng mga pagkain.
Sa ilalim kasi ng Customs Modernization and Tariff Act, maaaring kumpiskahin ng BOC ang imported goods at subject sa forfeiture proceedings kapag nabigo ang importer na magpakita sa loob ng 15 araw ng katibayan ng payment of duties at buwis sa imported goods.