-- Advertisements --
image 368

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang paglulunsad ng first Kadiwa ng Pangulo initiative sa Bicol region ngayong araw kung saan inihayag nito na malapit ng makamit ng Php 20 per kilo ng bigas na mas magiging abot-kaya para sa mga Pilipino.

Ayon sa Pangulo, matagumpay ang Kadiwa program na kaniyang inilunsad nuong nakaraang taon kaya nais niya itong ipagpatuloy.

“Makikita ninyo, halimbawa ‘yung bigas, ‘yung aking pangarap na sinabi na noong bago akong upo na sana mapababa natin ang presyo ng bigas ng Php20. Hindi pa tayo umaabot doon, dahan-dahan palapit. Nasa Php25 na tayo. Kaunti na lang, maibababa natin ‘yan,” pahayag ng Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo ganito rin ang gagawing hakbang ng gobyerno sa sibuyas, umangkat ang pamahalaan ng sibuyas na nagresulta sa pagbaba ng presyo ngayon sa merkado.

Sa ngayon, nasa mahigit 500 Kadiwa ng Pangulo outlets na ang inilunsad sa buong bansa.
Bukod sa pagbibigay ng murang pangunahing bilihin sa mga Pilipino, layon din ng programa na tulungan ang mga local farmers at producers na magkaroon ng direct access sa merkado.

“Lahat po ‘yan ay binibigyan din natin ng pagkakataon ‘yung mga maliliit na negosyo sa bawat lugar kung saan ‘yung Kadiwa para mayroon silang lugar para ipagbili ang kanilang mga produkto,” punto ng Pang. Marcos Jr.

Nais din ng kasalukuyang pamahalaan na tulungan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na maka rekober sa epekto ng Covid-19