-- Advertisements --

Posibleng bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa White House sa unang kalahati ng 2025 ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.

Aniya, nakatakdang i-schedule ang pagbisita ng Pangulo pagkatapos ng pagbisita ni US Defense Secretary Pete Hegseth sa Pilipinas sa Marso 28 hanggang 29 na nakatakdang makipagpulong kina Pangulong Marcos at Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Nauna ng inanunsiyo ng US Department of Defense na magtutungo ang US Defense chief sa PH para isulong ang mga layuning pangseguridad kasama ang mga lider ng Pilipinas at makikipagkita sa US at Philippine forces.

Kinumpirma naman ni Ambassador Romualdez na nakatakdang bumisita sa bansa si US Secretary of State Marco Rubio sa susunod na buwan.