-- Advertisements --

Apat na ahensiya ng pamahalaan ang ipinatawag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa Malakanyang para sa nakatakdang private meetings.

Pupulungin ng Pangulo, ang Department of Public Works and Highways gayundin ang Department of Education, Commission on Higher Education (CHED) at TESDA.

Kung maalala nasa P26 billion na pondo ng DPWH ang tinapyasan matapos i-veto ng Pangulong Marcos ang 2025 national budget.

Matatandaang kamakailan ay inanunsiyo ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang naging kautusan ng Pangulo na isagawa ang complete rehabilitation ng EDSA.

Isa aniya ito sa priority projects ng Administrasyon sa gitna Ng target na mapaayos Ang riding quality sa Epifanio delos Santos Avenue.

Wala namang abiso ang Palasyo kung posibleng mapag- usapan ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill sa pakikipag- usap ng Pangulo sa Deparment of Education (DEPED).

Sa harap ito ng kontrobersiya sa itinatakdang ng probisyon sa panukalang batas na kung saan ay isinusulong ang Comprehensive Sexuality Education.

Inaasahang ilalatag ng mga nasabing ahensya ang mga plano at programa ngayong 2025.

Magbibigay din ng mga direktiba ang pangulo hinggil sa mga proyektong dapat tutukan.

Una ng pinulong ng Pangulong Marcos ang DOH, NIA, DA, DOT, DOLE, DSWD at DOST.