-- Advertisements --

Nakikiisa si Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kasabay ng paghimok na isalin ang kanilang pananampalataya sa aksiyon at palaganapin ang mensahe ng pagasa, pag-ibig at saya sa kapwa.

Sa mensahe ng Pangulong Marcos, umaasa ito na ang mga deboto ng Holy Child ay mananatiling nagkaka-isa sa pag-uudyok ng socio-economic growth sa kanilang siyudad ng sa gayon lalo pang lalago ang industriya sa Cebu.

“To the millions of devotees, I urge you to translate your faith into action so that you may spread the message of hope, love and joy to others. Most importantly, always pray for spiritual strength and fortitude to overcome whatever challenges and difficulties that may lie ahead,” pahayag ni Pang. Marcos.

Pinaalalahanan din ni Pangulong Marcos ang mga deboto na gabayan ng kanilang pananampalataya at inspirasyon ng diwa ng bayanihan na manatiling mulat sa kanilang mga obligasyong Katoliko at panlipunan upang maabot ang pinagsasaluhang tadhana tungo sa “Bagong Pilipinas na nagbubukas ng mas mabuti at mas masaganang buhay para sa lahat ng Pilipino.

Nagpahayag ng kanyang taos-pusong pagbati ang chief executive sa mga taga-Cebu City kanilang pagdiriwang ng Sinulog Festival, na isinasagawa tuwing Enero upang ipakita ang kanilang debosyon sa Banal na Bata na si Señor Sto. Niño.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na ang Sinulog Festival ay isa sa pinakamaganda at makulay na pagdiriwang sa Pilipinas kung saan ang mga Pilipino mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay nagpapahayag ng kanilang matinding pasasalamat para sa mga himala, pagpapala at hindi mabilang na pagpapalaya na ipinagkaloob sa kanila noong nakaraang taon.

Isa rin itong paraan upang manalangin para sa mabuting kalusugan, proteksyon at kaunlaran sa darating na taon.