-- Advertisements --

CEBU – Naging maayos ang takbo ng mass oath-taking ng mga winning candidates sa powerhouse One Cebu Party nitong Martes, Hunyo 28.

Mas naging makabulohan pa nito nang dumating sina President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ug Vice President-elect Sara Duterte sa hotel kung saan isinagawa ang nasabing aktibidad.

Unang dumating si VP Sara bandang 6pm habang si Marcos ay nagpakita sa Marco Polo Hotel bago mag 7pm.

Unang nagsalita si Sara sa event kung saan sinabi nitong bago ang halalan ay tinanong na niya si Cebu Governor Gwen Garcia kung kailan ang mass oathtaking sa OneCebu para makadalo siya dito at para na rin magpasalamat.

Samantala, naglabas din ng kahalintulad na pahayag si Marcos Jr. kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga Cebuano na nagpakita ng tiwala sa kanya at sinabing malaki ang papel ng Cebu sa plano ng kanyang administrasyon para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa nito na kung noon kinailangan niya ang tulong ng mga Cebuano, ngayon ay mas kailangan niya ng tulong hindi lamang sa Cebu kundi sa buong bansa bagamat sinabi nito na marami pang gagawin para mapaunlad ang ating bansa.

Samantala sa naging talumpati ni Governor Garcia muli nitong ang kanyang mga patakaran para sa lalawigan ng Cebu.