Sinabihan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang mga drug syndicate na hindi tumitigil sa kanilang illegal drug activities na mahuhuli at mahuhili din ang mga ito dahil maliit lang ang Pilipinas.
Ginawa ng Pangulo ang paghayag ng magsagawa ito ng pag-iinspeksyon sa nasabat na higit P13 bilyong halaga ng shabu sa Alitagtag Batangas kahapon.
sinabi ng Pangulo na hindi magbabago ng istratehiya ang pamahalaan sa kampanya kontra iligal na droga.
Katuwiran nito, epektibo naman ang ginagawang approach ng mga otoridad at patunay dito ang nakumpiskang malaking halaga ng droga na pinakamalaki pa kumpara sa mga nakaraan.
Binigyan diin rin ng Presidente na naging matagumpay ang operasyon nang walang namatay o nasaktan.
Ayon kay PBBM tuloy tuloy lang ang operasyon at intelligence gathering dahil ito ang susi para malansag ang mga sindikato at mapahinto ang kalakalan ng iligal na droga sa Pilipinas.